KAON TA!

I cook, I shoot, I eat, that's it.

GINATAANG MALUGAY AT BABUY NA PRINITO


1/4 Liempo
2 tali ng Malungay
1 Niyog (gata)
Bawang
Asin
Paminta


Lagyan ng asin at paminta ang liempo at prituhin hanggang maging malutong. Ihaon at itabi. Gisahin ang bawang at lagay ang malungay, ibuhos ang gata ng niyog. Hintayin kumulo.lagyan ng paminta at asin ayon sa panlasa. Ilagay ang pritong liempo at ihain.


-----------
kabuoan gastos: 75.00php
HALF FRIED HALF STEAM CARP TO THE MAX




1/4 kilo Carp
1 clove of Garlic, Crushed.
Salt
Pepper

Slice the Carp into strips, pull out all the fish bones to make it boneless and can enjoy eating later without disturbances. Marinate it with Salt and Pepper. Preheat the pan with oil. Put the strips of carp into the pan with some extra space to each other, then put immediately the crushed garlic around the fish and spaces. Cover the pan and let the heat inside to cook the fish, check regularly if the fish is done and the other side is crispy. DO NOT TURN THE FISH TO THE OTHER SIDE.

It can be serve soy sauce with calamansi.



total production cost: 25.00 pesos







This English is brought to you by low quality education in the Philippines.

Curry+Chicken=Busog





1/4 Chicken Meat (bite size)
1 Clove of Garlic
2 small Potato (cubed)
Salt
Pepper
Curry Powder

Saute the garlic in the pan, put the chicken then put some salt and pepper according to your taste. Wait until it becomes golden brown. Put some curry powder and the potatoes then stir then put some curry powder again the let it be. Wait til the potato are done. Serve it for two, sprinkle some spring onion on top.


------------
Production Cost: 58php



ADOBO SA PUTI



1/4 kilo ng Karneng Babuy
2 boung Sibulyas
Suka
Asin
Paminta

Haluin ang lahat ng sangkap sa kaldero, hayaan ito ng mga 1 oras. Buksan ang kalan at pakuluin, haluin ito hanggang matuyo ang suka at lumabas ang sariling mantika ng babuy. Hinaan ang kalan at haluin hanggang maging kulay ginto ito 'este' matusta ng bahagya. Ihain ito. Lagyan ng kanin ang pinaglutuan ang prituhin ito.

Masarap sa almusal, tanghalian at hapunan.


----------------
Kabuoan gastos: 80 php

TOMATO SOUP WITH RED SALTED EGG


 
10 katamtaman na Kamatis 
1 Pulang Itlog 
1 buong Bawang 
1 buong Sibulyas 
1/2 na Butter 
Asin
Paminta  







Tunawin ang Butter sa kaserola, igisa ng mabuti ang bawang at sibulyas sa kumukulong butter. hiwain sa apat ang bawat kamatis at ilagay sa kaserola at takpan, haluing ito upang hindi matutuong. Budburan asin at paminta ayon sa lasa. Lagayan ito pulang itlog at ihain, masarap ito kasama ng tinapay sa umaga.  


---------------- 
Kabuoan gastos: Hindi ko na matandaan yung presyo ng pulang itlog. yung kamatis, bawang at sibulyas naman ay bigay lng sakin galing Baguio.

REPOLYO FROM HELL



1/2 Repolyo
3 piraso ng Tuyo
1 buong Bawang
1 buong Sibulyas
Asin
Paminta

Hindi ako makapagisip ng matino kanina kaya medyo tinamad ako magluto. Ginisa ko ang dinikdik na bawang at sibulyas at hinati sa dalawa ito. Ginamit ko ang kalahati sa pag-gisa ng replyo, budburan ng asin at paminta ayon sa lasa. 

Prituhin ang mga tuyo, tanggalin ang mga ulo at tinik. Himayin ang laman ng tuyo at ihalo sa natitirang kalahating ginisang bawang. Ibudbud ito sa ibabaw ng ginisang repolyo.

Paalis ako ngayon papuntang Mariduque, iiwanan ko muna kusina at hahawak ng kamera. Kitakits na lang Miyerkules.



---------
Kabuoang gastos: 28 php

MEAT LOVERS DAY (Sinigang ni Pago)





1/4 Karne ng Baboy, Liempo
1 tali ng Kangkong
3 katamtaman na Gabi
3 maliliit na  Kamatis
1 katamtaman na Sibulyas
1 buong Bawang
1tali ng Okra
katas ng Sampalok
durog na Paminta



Gisahin ng mabuti ang dinikdik na bawang sa kaserola, isunod ang sibulyas at kamatis at lagyan ng paminta. Ilagay ang katas ng sampalok at haluin ng mabuti, idagdag ang gabi at karne ng baboy. Haluin ito sa loob ng 5 na minuto. idagdag ang kangkong at okra. Haluin sa loob ng isang minuto. Ihain para sa 4 katao.



-------

Kabuoang Gastos: 95.00 php