Ito ang naging hapunan namin.
1 tali ng Kangkong
3 piraso ng Tokwa
2 Kamatis
1 buong Bawang
1 buong Sibulyas
Paminta
Asin
Para sa Adobo, mag gisa ng kalahati ng bawang at sibulyas, itira ang kalahati para sa sinbawan. Ilagay ang kangkong at takpan ito. Magtabi ng kaunting kangkong para sa sinabawan. Lagyan ng paminta at asin ayon sa panlasa.
Para sa Sinabawan, gisahin ang bawang at sibulyas ng bahagya, lagyan ng tatlong baso ng tubig at pakuluan. Hiwain ang kamatis, mag-ingat sa pag hiwa upang maiwasan ang sakuna. Pakuluan ang ginisang bawang at sibulyas kasama ng kamatis. Lagyan ng asin at paminta ayon sa lasa. ilagay ang ang kalahati ng tokwa at natitirang kangkong at takpan ito.
Magpainit ng matika sa kawali. Hiwain ng maninipis ang natitirang Tokwa at iprito ito, lagyan ng asin at paminta ayon sa panlasa.
Ihain para sa dalawang tao na malakas kumain.
--------
Kabuoang Gastos: Php 15.00
I cook, I shoot, I eat, that's it.
No comments:
Post a Comment